Ang ating kidneys at paano ito alagaan

Ang ating kidneys ay importante sa pagpapanatili maging malusog bilang natural na filter ng ating katawan. Pinapanatili nila ang ating katawan na malinis sa dumi at delikadong mga substansya habang gumagawa ng blood-stablising hormone, nagpapanatili ng fluid level ng katawan at nagbabalanse ng electrolyte levels.

Ito ang mga kailangan mong malaman sa iyong kidney at paano ito alagaan.

Ano ang Kidneys?

Ang ating kidneys ay isang pares na fist-sized, bean-shaped organs na natatagpuan sa back muscles ng ating upper abdomen. Ang pangunahin nilang ginagawa ay ang maglinis ng dumi sa ating dugo. Naglilinis sila ng 110-140 na litro ng dugo bawat araw at tinatapon ang dumi sa ating ihi.

Ang ating kidney ay nagbabalanse din ng mga fluid sa ating katawan habang nagbabalanse ng supply ng electrolytes tulad ng potaasium at sodium.

Bukod pa rito, ang kidneys ay naglalabas ng hormones na nakakatulong gumawa ng red blood cells habang nagbabalanse ng pH level ng ating katawan. Ang hormone na nilalabas ng kidney ay tinatawag na Erythropoietin, na nagsisimula ng paggawa ng red blood cells. Sa gayon, kung ang ating kidneys ay hindi makagawa ng erythropoietin, puwedeng magkaroon ng tyansa magkaroon ng anaemia.

Ang ating kidneys ay gumagawa din ng active forms ng vitamin D, ang natatanging vitamin na puwede din masabi na isang hormone. Sa gayon, ang ating kidneys ay importante sa kalusugan ng ating mga buto pati na din sa ating immune function, insulin level management at pag-iwas sa cancer.

Habang tayo ay natural na pinanganak na may 2 kidneys, posible na ang katawan natin ay kumilos gamit ang 1 kidney lang kaya ang kidney donations ay puwede sa living donor at sa isang tao na may kailangan ng bagong kidney.

Ang kahalagahan ng pagpapanatiling malusog ng iyong Kidney

Ang ating kidneys ay importante sa ating katawan. Sa gayon, ang pagtingin sa kanila bilang key biomarkers tulad ng urea at creatinine concentrations sa dugo ay puwedeng makaiwas sa pagkakaroon ng chronic kidney disease o pagkaroon ng matagalan na epekto nito.

Ang urea ay isang dumi na nilalabas ng protein catabolism. Bukod pa dito, ang creatinine ay isang dumi na nilalabas ng muscle cell breakdown at kasama ng lactic acid ay pinaniniwalaan na dahilan kung bakit masakit ang iyong muscles pagkatapos mag-ehersisyo. Ito din ay isang basehan ng ating kidney’s filtering capacity.

Sa pagpapanatili ng ating kidneys maging malusog, ang mga sakit tulad ng high blood pressure, anemia, imbalaned PH o imbalanced body fluid control, ito ay maiiwasan lahat.

Signs at Symptoms na kailangan alamin

Ang iyong kidneys ay importante sa araw-araw at ang iyong poor kidney performance ay puwedeng magdulot ng mga delikadong health conditions, katulad ng anemia at high blood pressure.

Para makasiguradong malusog, tandaan ang iba’t ibang sinyales ng kidney disease. Ang mga halimbawa nito ay:

  • Constant fatigue: Ang diseased kidneys ay hindi nakakagawa ng madaming erythropoietin (EPO), na nagdudulot ng kakulangan sa red blood cells (RBCs). Ang RBCs ay importante sa energy levels at ang kakulangan nito ay nagdudulot ng mababang energy levels. Sa gayon, ang biglaang pagkapagod ay puwedeng dahil sa poor EPO production dahil sa kidney disease.
  • Breathlessness: Ang sobrang buildup ng fluid dahil sa kidney disease ay puwede magdulot ng fluid buildup sa baga. Bukod pa rito, anaemia dahil sa mababang erythropoietin levels ay nagdudulot ng poor oxygen uptake. Parehas din sila na nagdudulot ng kapos na paghinga.
  • Swollen hands and feet: Kapag ang kidneys ay hindi naitatapon ang sobrang fluids, puwede sila manatili sa kamay at paa at nagdudulot ng pamamanas.
  • Chronic itching: Kapag ang kidneys ay tumigil sa pagtanggal ng dumi sa dugo, nagkakaroon ng buildup ng dumi at nagdudulot ng matinding pangangati.
  • Bad breath and metallic taste in mouth: Kapag ang kidneys ay hindi nagtatapon ng urea ng normal, nangyayari ang tinatawag na uremia at ito ay nagdudulot sa iyong paghinga na mag-amoy ammonia. Ito ay dagdag sa metallic na lasa sa iyong bibig kasama ang pagkawala ng gana kumain at pagbaba ng timbang.
  • Nausea and vomiting: Ang iba pang sintomas ng uremia sa dugo ay masakit na tiyan, pagsusuka at pagtatae.
  • Foamy urine: Ang nasirang kidneys ay hindi masyado nagtatrabaho ng maigi hindi katulad ng dati na puwedeng dahilan ay sa sobrang protein sa iyong ihi. Ang protein ay nagdudulot ng pagiging foamy ng ihi, at puwedeng isang sinyales ng kidney disease.

Pagkakaroon ng Abnormal na Creatinine, Bicarbonate at Urea Level

Ang key biomarkers tulad ng urea at creatinine ay ang mga indikasyon sa renal health at dapat sinusubaybayan para sa kidney health.

Kapag ang kidneys ay nasira dahil sa acute o chronic cause, makakakita ka ng mataas na level ng urea at creatinine sa iyong dugo at depende sa taas ng dalawa nakasalalay ang mas malalang sira sa kidneys.

Dahil ang kidneys ang responsable sa reabsorption ng biocarbonate para mapanatili ang PH balance sa katawan, ang abnormal blood level ng bicarbonate at imbalance ng PH sa katawan ay isa din na indikasyon ng poor kidney performance.

Paraan para mapanatili malusog ang iyong kidney

Ito ang mga paraan para mapanatili na malusog ang iyong kidney:

Na hindi kailangan magpakonsulta sa doktor

  • Drink plenty of water—Ipagpalagay natin na ikaw ay malusog at hindi fluid retainer, ang pagpapanatili sa katawan na maging hydrated ay hindi masyado mahirap sa iyong kidney alisin ang urea, creatinine at iba pang dumi sa iyong katawan.
  • Stay active—Ang cardiovascular fitness ay susi sa magandang level ng blood pressure na makakatulong makaiwas sa chronic kidney disease
  • Avoid some over the counter medications—Ang paggamit ng matagal sa anti-inflammatory medications tulad ng ibuprofen o acetaminophen ay nakakadulot ng kidney damage, disease at failure.
  • Eat healthy— Iwasan ang asin sa iyong diet. Ang healthy diet ay susi sa pagpapanatili ng magandang level ng blood pressure. Paniguraduhin na iwasan ang sobrang asin para maibsan ang trabaho ng kidney at makababa ng tyansa magkaroon ng kidney disease. Ilang pagkain ang sinasabi na nagpapalakas sa kidney tulad ng cabbage, fish, lemon, onion, kale, red grapes, cherries, blueberries at raspberries at meron din na pagkain na hindi nakakabuti sa kidney at ang pagkain sa kanila ay dapat iwasan.

Pagpapanatili malusog ang kidney na may kasamang medical help

  • Gamutin ang mga concurrent na diseases at tanggalin ang mga potensyal na risk factors sa kidney disease na nabanggit
  • Panatilihin ang blood pressure sa pag-inom ng gamot
  • Panatilihin ang blood oxygenation sa pamamagitan ng anemia treatment
  • Diuretics o ibang klase ng gamot para maalis ang pamamanas

Kailan magpapakonsulta sa doktor

Ang Chronic Kidney Disease (CKD) ay tinatawag na silent killer at puwedeng hindi magpakita ng sintomas hanggang sa huling yugto ng sakit. Sa gayon, ang pagbisita sa doktor at pagpapakuha ng blood tests ay dapat ginagawa bawat taon para makasigurado na ang iyong kidney biomarkers ay nasusubaybayan. Tandaan din kapag nakakaranas ng sintomas tulad ng low energy, foamy urine o high blood pressure.

Iba pang test para malaman ang iyong sakit na may kinalaman sa abnormal Creatinine, Urea at Bicarbonate Levels

Depende sa signs at symptoms, ang iba’t ibang tests na ginagawa para malaman ang sakit na may kinalaman sa iyong abnormal level ng biomarkers sa iyong dugo ay:

  • Urinalysis, kasama ang urine protein electrophoresis at testing para sa bacterial infecti on
  • Kidney stone analyses, kasama ang evaluation ng risk sa developing kidney stones
  • Antinuclear Antibody (ANA) test para malaman kung may autoimmune condition na nakakaapekto sa kidneys (tulad ng lupus)
  • Myoglobin level sa ihi para malaman kung mahina ang skeletal muscles

Ang pagkakaroon ng malusog na kidney ay importante sa lahat. Sa gayon, hindi maikakaila na ang pagsusubaybay sa mga kidney biomarkers ay importante sa iyong kalusugan. Huwag hintayin na lumabas pa ang mga sintomas. Ang mga tao na mayroong chronic kidney failure ay makakapagpatunay nito dahil ang iba sa kanila ay kailangan na ng dialysis habang buhay.

Bukod pa rito, bakit hindi magbago ng kaunti sa iyong lifestyle. Halimbawa, manatiling hydrated, kumain ng tama at mag ehersisyo lagi. Ang mga ito ay makakapanatili ng iyong kidney na maging malusog at nakakababa ng tyansa magkaroon ng kidney disease.

Ang pagpapanatili sa kalusugan ng iyong kidney at ang pagsigurado na sila ay malusog ay importante. Kung walang kidneys, tayo ay mabubuhay bilang isang may kapansanan na umaasa lang sa dialysis at puro pag-inom lang ng supplements at mga gamot para lang mabuhay sa isang araw. Naiisip mo na ba ang buhay na hindi mo kaya umihi o dumumi? Kung ang sagot mo ay hindi, uminom na ng madaming tubig at tandaan na manatiling active-papasalamatan ka ng kidneys mo dito!


Ang ating kidneys at paano ito alagaan ay unang lumabas dito sa BioMark.