Palakasin ang iyong Immune System, na pasok sa budget

Sa panahon ngayon, lahat tayo ay nagtitipid. Gayunpaman, mayroong mga ibang bagay na walang katumbas na halaga tulad ng ating kalusugan. Ang medical care ay mahal pero alam mo ba na may mas simple at mas murang paraan para maprotektahan ang iyong kalusugan?

Ito ang 4 na paraan para mapalakas ang iyong immune system ng hindi gumagastos ng mahal.

1. Magkaroon ng sapat na tulog

Habang tayong lahat ay sobrang abala, ang tulog ay ang isang bagay na ating sinasakripisyo. Gayunpaman, ang pagtulog ay importante para mapanatili maging malusog ang ating immune system.

Sa pagsakripisyo ng tulog, maaring magkasakit, mawalan ng pokus at mas mataas na tyansa ng aksidente.

Dahil sa kaunting tulog, mas konti ang immune-boosting T-cells ang nagagawa ng ating katawan. Bukod pa rito, tayo ay gumagawa ng mas maraming inflammatory cytokines. Ito ay naglalagay satin sa mas mataas na tyansang magkaroon ng sakit katulad ng sipon o flu.

Samakatuwid, matulog ng 7 oras o mahigit bawat gabi para matiyak ang kalusugan ng iyong immune system.

2. Magdagdag ng good bacteria

Panatilihin ang magandang level ng good bacteria sa iyong tiyan  para mapanatiling maging malusog ang iyong immune system.

Halos 75% ng iyong immune system ay nasa iyong bituka at kapag kulang ang probiotic colonies o good bacteria ay puwedeng magdulot ng pamamaga o sakit.

Bukod pa dito, ang malusog na ecosystem ng gut bacteria ay nakakatiyak na may malakas na epithelial tissues sa iyong digestive tract o bituka. Ito din ay nakakatiyak na protektado ang iyong katawan sa pathogens at kung ano pang delikadong sakit.

Para matiyak na malusog ang iyong gut o bituka at may tamang level ng bacteria, paniguraduhin na kumain ng cultured na pagkain tulad ng yogurt, kefir o kimchi. Ang mga ito ay mayroong live microbes o microorganisms na nagsisilbing simula sa proseso ng fermentation.

Gayunpaman, tandaan na ang iyong kainin ay sariwa at mayroong live at active na culture upang masiguradong ito ay mabisa.

Bukod pa rito, kung ikaw ay hindi mahilig sa cultured na pagkain, puwede ka kumain ng probiotic supplements. Ang mga supplements na ito ay nakakatulong magpalakas ng kalusugan ng iyong immune system.

Kaya kumain ng microbes-mura at madami ang benepisyo!

3. Mag-exercise!

May mga pag-aaral na nagsasabi na ang 20 minuto ng ehersisyo sa isang araw ay nakakatulong mapanatili ang iyong immune system na maging matibay at malusog.

Pero paano nga ba nakakatulong ang pag-ehersisyo?

Simple lang! Sa pagtaas ng iyong heart rate, blood pressure at respiratory rate, ang pag-ehersisyo ay naglalabas ng hormones na nagpapatigil ng mga substances na responsable sa inflammation o pamamaga.

Bukod pa rito, ang inflammation o pamamaga ay isa sa malaking kalaban ng iyong immune system. Sa gayon, kapag wala masyadong pamamaga, mas malaking tyansa na lumaban ang iyong immune system sa mga sakit tulad ng flu o trangkaso.

Pero sa mga hindi mahilig mag-ehersisyo, huwag mag-alala!

Ang 20 minuto ng easy to moderate na galaw bawat araw ay makakatulong maging malusog ang iyong immune system. Ito ay simple lang katulad ng pag-akyat ng hagdan kaysa gumamit ng elevator o paglalakad papunta sa tindahan kaysa magmaneho.

Kaya ano pa hinihintay mo, kumilos na at tumayo sa iyong upuan!

4. Magpa-araw

Ang Vitamin D ay importante sa iyong kalusugan dahil ito ay nakakapagpasigla ng antimicrobial peptides sa iyong immune system, at responsable sa mga genes na nagpapanatili ng kalagayan ng malusog katawan.

Gayunpaman, dahil sa ating modernong panahon na indoor lifestyle, samahan mo pa ng paglagay ng sunscreen kapag tayo ay lumalabas, hindi nakakapagtaka na karaniwan ang Vitamin D deficiency.

Kaysa manatili sa loob ng bahay buong araw, magpaaraw sa loob ng 10-20 minuto kada araw. Ang ibig sabihin nito ay huwag mag sunscreen, long sleeves at sombrero!

Ang pagpapaaraw ay may benepisyo, gayunpaman, mag-ingat kapag ikaw ay maputi. Ang mga mapuputi ay may mas mataas na tyansa magkaroon ng sunburn sa sobrang pagpapaaraw. Bukod pa rito, ang pag-iwas sa sobrang araw ay nakakatulong sa pag-iwas ng skin cancer na dahil sa sobrang ultra violet radiation. Ang skin cancer ay puwedeng tumubo sa ibabaw ng balat o minsan sa ilalim ng balat at nakakaapekto sa ibang parte ng katawan.

Pero kung ikaw ay hindi masyado nagpapaaraw, bakit hindi ka kumain ng mga pagkain na mayaman sa Vitamin D?

Isang masarap na halimbawa ay ang salmon, sardinas at itlog.

Gayunpaman, kung mas gusto mo ang mura na paraan para makakuha ng Vitamin D, gumamit ng supplement!

Ito ay iyong kalusugan

Dahil sa malamig na panahon, siguraduhin na ang iyong immune system ay malusog. Madaming paraan para gawin ito ng hindi gumagastos kaya walang dahilan para ikaw ay magkasakit!

Maglakad sa labas, kumain ng isda at matulog ng madami.

Papasalamatan ka ng iyong immune system!


Kung ikaw ay interesado pa sa White Blood Cells at iyong immune system, basahin ang iba pang mga impormasyon sa aming biomarker post dito!